Sunday, September 23, 2012

kunwa-kunwarian !


pseudo relationship.. someone asked me what that means when one of my co-worker/friend commented on one of my status..

ano nga ba ang pseudo relationship. pseudo is a greek word meaning false, not true or FAKE ! siguro naman alam niyo na noh.. oh yun lang!.. hahaha :))

kidding aside, eto yung "PARANG KAYO, PERO HINDI" na stage. some may call it M.U (MAGULONG USAPAN!) or fling. its almost a relationship pero hindi masyado. its a stage kung saan yung mga taong involved e more than friends pero hindi lovers. haha. pweding napag kasunduan niyo lang na ganun kayo or pwede ding biglaan lang nag ka ganon. pwede din na one of you or both may have admitted your feelings, possible ding hindi. (i know magulo.. sori naman pero siguro gets mo na).

eto yung walang pormal na ligawan pero kung kumilos e wagas ! yung tipong daig pa ang mag bf/gf kung kumilos.
sabi nga e " you just let your gestures do the talking for you." may mga nasasabi kayo na parang kayo pero hindi naman talaga.

madaming pweding maging rason para sa mga ganitong "relationships". pweding mangyari toh after niyo mag hiwalay. yung tipong mahal niyo pa ang isa't isa at gusto niyo pa ng time mag kasama pero nag hiwalay kayo dahil sa kadahilanang hindi ko alam! at dahil sa hindi ko din alam ang dahilan ee ayaw niyo muna mag kabalikan. ok na kayo sa ganyang stage. (oh tapos? haha)

pwede din namang kahit gustuhin niyo eh hindi pweding maging kayo kasi langit siya at kutong lupa ka.. hahaha.. joke! (corny i know!) .. hindi pweding maging kayo sa kadahilanang may sabit na yung isa.. (OUCH!) uso pamandin yung linyang " iiwanan ko din siya para maging legal na tayo humahanap lang talaga ako ng tamang tyempo!" and usually ung guy yung may ka relasyon.. so habang hindi pa sila break ni girlfriend wala muna kayong relasyon, hindi muna siya manliligaw inshort .. ASA KA TEH !

Or! trip niyo na ang isa't isa pero ayaw niyo pang mag seryoso kaya kunwari nalang muna na kayo na pero hindi pa. (trip nila eh walang basagan!)

oo pweding maging fun yung ganyang relasyun lalo na kung KILIG factor lang ang hanap mo. BUT WAIT, there's more.. sa ganitong klaseng relasyon ang unang rule e DON'T EVER EVER EXPECT na may HAPPILY EVER AFTER kayo kasi nga wala talagang kasiguraduhan ang ganitong relationSHIT! :) at hello!! WALANG KAYO!  malay mo ikaw love na love na love mo na siya tas para sakanya wala ka lang pala..

pero the question is.. BAKIT!!!?? bakit ang daming na hohook sa ganitong klasing setup kung hindi ka din naman pala sure na may magandang ending?

well ano bang paki alam ko sa lovelife nila.. hahaha

hay madami naman kasing pweding maging reason. one is for fun lang, mas ok na yung meron kesa walang lovelife habang wala pa si "MR/MS RIGHT" or the REAL THING sabi nga nila.

dun sa mga taong hindi pa nag seseryoso pagdating sa pakikipag relasyon pwding maging reason nila is mas ok na yung may ka M.U kesa sa WALA talaga, after all habol mo lang naman talaga e kilig factor at yung LIBRE! haha.. pag may date may taga bitbit taga libre ng pamasahe taga hawak ng payong taga lahat :))

well sino ba naman ang hindi pa nag ka experience ng ganyan.. (loko paten daka pag meg deny ka!)and aminado naman ako na yung mga dahilan sa taas e naging reason ko na din .. hahaha. but one thing is what im sure of, kaya ako nakikipag MU dati is because hindi pa ako ready na mag seryoso dahil NASAKTAN ako ..pero DATI yun ok .. ngayon ready na ako waiting nga lang hahahaha

ang habol ko lang naman noon e yung kilig factor yung tipong may nag papangiti sayo bago ka matulog at pag gising mo ng umaga..(24/7 na clown ang trabaho niya) tas pag may outing ang barkada may ka cuddle ka (ayiiii!), hindi ka maiingit sa mga nag  HHWW sa park at mall, yung tipong pag ka nag beep ang phone mo e excited ka kasi alam mong nag txt siya (tas sisimangot ka kasi 8888 pala yun hahaha.. ASSUMING!), yung may kasama ka habang hinihintay yung taong para sayo talaga..(ba kang e mabakante at e maglupang losyang kaka paninaya) 

kaso i just RECENTLY realized that even if its just a pseudo relationship the emotions are real. yung tipong nagseselos ka nalang bigla kahit hind naman dapat kasi nga HINDI KAYO! and in this kind of setup, BABAE lagi talo.. (bilis kasi ma fall.. tsk)

Babae ka so FIRST is you can't ask him to commit. since FAKE nga yung relasyon niyo e hindi ka pweding mag demand ng commitment. (babae ka REMEMBER that!). ang palaging tanong mo sa sarili mo is, " ANO BA KAYO?" May karapatan ka bang mag pa hatid sundo sakanya ng kahit anong oras? may karapatan ka bang magalit pag hindi ka niya tinext buong araw at eto ka namang si tanga naka tungangang kaka hintay sa wala? hindi ka pwding mag expect na isang tawag mo lang andyan na siya at kung mag seselos ka hindi mo pweding ipakita or ipaalam man lang kasi nga wala kang KARAPATAN para mag selos teh! hinding hind ka magiging sigurado kung ano ba talaga yung papil mo sa buhay niya (special paper ka ba o simpleng bond paper lang) 

SECOND, anong gagawin mo pag super na inlove ka na sakanya? hindi ka naman sigurado na ganyan din ang nafefeel niya para sayo, malay mo trip ka lang talaga niya hindi LOVE! ang problema pamandin ng mga babae e masyado silang ASSUMING, (na kindatan lang ibig sabihin crush siya agad? di pwding na puwing lang yung tao?). mahirap sa ganitong sitwasyon e yung mag assume ka na mahal ka din niya at kahit pa gustong gusto mo ng ipaalam sa kanya ang nararamdaman mo e HINDI PWEDE! kasi it can make or break what you have. maaring mahal ka din niya (ASA) or mailang siya at mapahiya ka lang. dito mo na maiisip kung ano ba ang talagang meron kayo or kung meron nga bang KAYO!

paano nalang kung masyado kang na attach dun sa tao? pano kung lahat ng meron ka binigay mo na sakanya lalong lalo na yung love mo? pano kung ikaw iniiwasan mong ma link sa iba tas siya pala parang magnet pati bakla/tomboy naka dikit na sakanya.. hirap diba (oh ginusto mo yan ee panindigan mo!)

kung gaano kabilis nag karon ng kunwa kunwaring kayo gnun din kabilis pwding mawala yun. eto yung isang downside ng pseudo relationship. pag nag ka gerahan na at dumanak na ang dugo (morbid? patayan agad?). seryoso na pin!..

ulit ulit

pag may mga bagay kayo na hindi na napag kakasunduan or napag aawayan. or kapag isa sa inyo naging cold na (bangkay? patayan talaga? haha.. syet ot eku agawang mag seryoso.. arrggh!) then yun na ang end ng munting palabas niyowala ka kasing pinang hahawakan e kaya kahit gusto mong ipaglaban wala na.. kasi sa una palang wala namang KAYO e, ikaw at siya lang walang kayo..

buti sana kung pag nasaktan ka FAKE lang din kaso hindi. its REAL PAIN. tas may mga times din na kahit tapos na yung fake relationship niyo umaasa ka padin na sana may abangan bukas na drama. at ikaw namang si gaga magiging bitter at melodramatic nangangarap na ma i rewind ang mga pangyayari para sana mas naging ok ang kinlabasan. pero ang hindi mo alam habang emote na emote ka e may iba ng ka MU ang hinayupak! (bitter ka ais?)

o diba super hirap at complicated ding masasabi ang pseudo relationship, oo may kilig and happy moments pero pag tinamaan ka na ng LOVE ay patay na .. pustahan masasaktan ka lang din sa huli.

kaya namang iwasan ang sakit ee.. yun e kung kaya mo ding controlin ang mga bagay bagay. yung tipong " CHILL RELAX LET'S JUST ENJOY WHAT WE HAVE" wag na isipin kung anong mangyayari bukas.. isipin nalang kung anong meron ngayon..

ngaun kung hindi mo kayang controlin yun dapat kang mamili lalo na kung ayaw mong masaktan. its either be happy with what you have right now without worrying what will happen next or you canSTOP being in a pseudo relationship at hintayin mo nalang yung taong naka laan para sayo. hindi naman porke single ka e ibig sabigin dull and boring na ang life mo diba (dull? boring? redundant?)

and i there for conclude! chena! haha.. well ito lang naman yun.. kung sa tingin mo e magiging masaya ka go gawin mo pero kelangan mong ihanda ang sarili mo sa pwding magiging kahihinatnan ng napili mong decisyon. :)